Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH

Lumipat na kami sa bagong multiply site! wittyonline.multiply.com

Dahil hindi namin ipinakita lahat dito, ito ang mga aabangan nyo pa sa loob ng planner, para naman hindi mukhang nabibili sa suking kapehan o Fully Booked o Powerbooks:

1. Monthly artworks ni Karl Castro (na siya ring gumawa ng cover ng Para Kay B (O Kung Paano Dinevastate ng Pag-Ibig ang 4 out of 5 sa Atin ni Ricky Lee), at the monthly quirky notes. Merong witty, merong sarcastic, merong totoo ang sinasabi, merong masakit ang sinasabi baka matamaan ka, merong sobrang sakit ng sinasabi na natamaan ka nga na gusto mo sanang punitin yung artwork na yun kaso nga lang mapapaisip ka, "sayang naman ang art, sige, dun ko na lang ibubuhos ang galit ko sa scratch paper sa likod".

2. Customized scratch papers na sa sobrang ganda ay manghihinayang kang gawing scratch paper, at lalong manghihinayang kang ibuhos sa kanya ang galit mo dahil natamaan ka sa monthly note.

3. Four (oo, apat) yearly calendars. May isang year 2010 syempre at may isang year 2011 syempre (bilang lahat ng planner e may ganun na). Pa-suspense kung ano ang dalawa pang yearly calendar at kung bakit iyon ang nilagay namin doon. (Bonus na rin ang notes namin sa 2010 at 2011 calendar.)

4. Ang useful and useless conversion table, kung saan ang useful info ay magagamit mo talaga, at ang useless info ay magagamit mo pa rin, lalo kapag nakatambay ka sa Starbucks at walang magawa o ibang mabasa.

5. Ang kakaibang owner's page na hindi lang basta may blank space para sa name, address at mobile number, na nakikita natin sa bawat planner, notebook, address book at autograph book. Basta.

6. Ang last page ng planner na may iiwang something sa'yo bilang paggunita sa nakaraang taon, sa loob lamang ng isang sentence.

7. At huli, saan ka nakakita ng planner na gawa sa Pilipinas na nag-ta-Tagalog, kinakausap ka na parang close friend mo, in Tagalog ha, o sa salitang ginagamit mo every day, at kung kausapin mo man pabalik e hindi ka ija-judge at all? Saan?

Ehem, ehem. 


Add a Comment